Int’l community nabahala sa pagbomba ng water cannon ng China sa barko ng ‘Pinas

Nagpahayag din ng pagkabahala ang United Kingdom, European Union, at New Zealand sa ginawang pagtira ng water canyon ng China sa Philippine vessel ng Pilipinas.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang United Kingdom, European Union, at New Zealand sa ginawang pagtira ng water canyon ng China sa Philippine vessel ng Pilipinas.

Nitong Sabado ng madaling araw ay nangyari ang pangha-harass ng dalawang barkon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Unaihzah May 4 na supply vessel ng Pilipinas papuntang Ayungin Shoal.

Sinabi ng UK na hindi nila sinasang-ayunan ang naging mga hakbang ng China dahil nagpapataas ng tensyon at nagbabanta sa kapayapaan ng mga mandaragat.

“[United Kingdom] condemns today’s dangerous actions by Chinese vessels against the [Philippines]. This endangered lives and resulted in significant damage to a civilian vessel. [United Kingdom] opposes actions which raise tensions and threaten regional peace and stability. We once again urge adherence to UNCLOS,” pahayag ng Ambassador ng UK.

Nanawagan naman si EU Ambassador Luc Veron na dapat sundin ang international law upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng naglalayag.

“Concerned by recurring dangerous manoeuvres, blocking and water-cannoning from Chinese Coast Guard vessels and Maritime Militia against Philippine vessels engaged in resupply missions. The EU reiterates the call for all parties to abide by the legally binding 2016 Arbitration Award and #internationallaw to peacefully resolve disputes, guaranteeing safety for all in maritime waters,” saad ni Veron.

Samantala, lubusan namang ikinabahala ni New Zealand Ambassador Peter Kell ang pangha-harrass ng China na siyang nakapaglagay umano ng panganib sa buhay ng iba.

“[New Zealand] is deeply concerned at further actions today by Chinese vessels towards [Philippines] at Second Thomas Shoal. These endanger lives at sea. It is fundamental to regional stability that maritime disputes are resolved peacefully in accordance with international law, particularly UNCLOS,” saad ni Kell.