Interpol naglabas na ng red notice vs Teves – DOJ

Naglabas na ang Interpol ng “red notice” kontra kay dating Congressman Arnolfo Teves, Jr. na tinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Naglabas na ang Interpol ng “red notice” kontra kay dating Congressman Arnolfo Teves, Jr. na tinuturong mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla sa isang pulong-balitaan ngayong Martes.

Paliwanag ni Remulla, ang red notice ay nagbibigay ng otoridad sa law enforcement ng ibang bansa na aktibong hanapin at arestuhin si Teves at i-extradite sa Pilipinas.

Inilabas ng Interpol ang red notice kahapon, Pebrero 27.

“Ang red notice ay ‘yan ang pinakamalapit or similar to an international warrant of arrest, kasi tayo sa political and criminal jurisdiction…we can issue a warrant of arrest within our boundaries,” ani Remulla.

Nahaharap si Teves sa patung-patong na kaso ng murder matapos iturong utak sa pagkamatay ni Degamo at 9 na iba pa sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso 2023.