Internet sa ‘Pinas mabagal pa rin — World Bank

Kabilang pa rin ang Pilipinas sa mga bansa sa South East Asia na may pinakamabagal na internet connection, ayon sa ulat ng World Bank’s ‘Better Internet for All Filipinos’ 2024.

Kabilang pa rin ang Pilipinas sa mga bansa sa South East Asia na may pinakamabagal na internet connection, ayon sa ulat ng World Bank’s ‘Better Internet for All Filipinos’ 2024.

Ang mabagal na internet ay nakaaapekto umano sa paglago ng mga negosyo at pag-unlad ng kabuhayan ng mamamayan.

Base sa ulat, nahuhuli pa rin sa bilis at abot kayang presyo ang internet kumpara sa karatig bansa gaya ng Singapore, Thailand, Malaysia, Vietnam, at Brunei.

Ang ‘Pinas ay mayroon lamang 92Mbps, habang mayroon namang 264Mbps ang Singapore; 216Mbps ang Thailand: 112Mbps and Malaysia; 105Mbp ang Vietnam; at 94Mbps ang Brunei.