Intermittent fasting lang pala! ‘Hunger Strike’ invitation ng programa nina Celiz at Badoy, 6 na oras lang

Umani naman ng pagbatikos ang nasabing apela mula sa mga netizens, na nakuha pang mag-research upang tukuyin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng hunger strike.

Pinagtawanan lang ng mga netizen ang umanong paanyaya ng programa ng mga SMNI anchors na sina Ka Eric Celiz at Lorainne Badoy na magsagawa ng hunger strike bilang pagkondena sa pagkakakulong ng dalawa.

Sa official X account ng “Laban Kasama Ang Bayan,” hinikayat nito ang kanilang mga followers na sumama sa hunger strike na ginagawa gabi-gabi mula “6:00 p.m. hanggang 12:00 a.m.”

“Join our nightly Hunger Strike starting at 6 PM until midnight. Let’s together peacefully support ‘Laban Kasama Ang Bayan’ anchors Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz and Dr. Lorraine Badoy who were unjustly detained in the House of Representatives,” ayon sa post.

Umani naman ng pagbatikos ang nasabing apela mula sa mga netizens, na nakuha pang mag-research upang tukuyin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng hunger strike.

“This is not a hunger strike. According to the IFHHRO, a hunger strike is the voluntary act to a fast that lasts for more than 72 hours as a form of pressure or non-violent protest. Not eating from 6:00 PM to 12:00 MN is just skipping dinner🤣 #YesToSMNIShutdown @LKABOfficial,” ayon kay user @Shortee3MEW.

“6pm-12mn is 6 hours. In comparison: Bago tayo kunan ng lipid profile at blood sugar, required mag-fast ng 8-12 hours. Mahiya naman kayo, mas nagsasakripisyo pa ang mga magpapa-blood test,” ayon naman kay user @ry_lnt.

“Edi parang nag intermittent fasting lang kayo? Hunger strike dapat di kakain! Ano ba naman klaseng sakripisyo yan, walang ka prinsipyo prinsipyo!” sinabi naman ni user