Inter-agency panel para sa mga mangingisda sa WPS, isinusulong!

Emosyonal ang naging diskusyon ng mga mangingisda sa Zambales at ng House Committees on National Defense and Security and the Special Committee on the West Philippine Sea, ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Naglabas kasi ng mga hinanaing ang mga mangingisda sa patuloy na panghaharass sa kanila ng China at sa gitna ng sigalot sa katubigan sa kanilang paghahanap-buhay sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Gonzales, naging eye opener para sa kanilang mga mambabatas na itaguyod ang isang inter-agency panel upang dinggin at bigyang kasagutan ang hiling ng mga Pilipinong mangingisda.

“Malapit na naman ‘yung budget season. Narinig natin iyong ating mga fisherfolks. So rest assured that we will form an inter-agency (panel) para magkaroon ng kasagutan itong kahilingan at kanilang mga nararamdaman,” aniya.

“Kanina nakita ninyo may umiiyak na fisherfolk at iyan eh nakakadugo sa puso. Iyan ang hanapbuhay nila. So more reasons, ang sabi nga ng leader ng Kongreso, si Speaker Martin Romualdez, na we will go here para makinig kami sa mga hinaing ng ating mga kababayan dito sa Zambales,” dagdag niya.