Inspirasyon ni Ma’am! Kwento ng guro na cancer survivor, tampok sa pagdiriwang ng World Teachers Month sa Albay

Ibinahagi ng guro ang kaniyang kwento sa pakikipaglaban sa sakit para sa World Teachers Month Celebration.

ALBAY – Isa sa mga aktibidad ng Schools Division Office of Albay (SDO Albay) para sa World Teachers Month Celebration ngayong taon ay ang pagtampok sa mga kwento ng mga guro sa Albay na may dalang aral at inspirasyon.

Isa sa mga nagbahagi ng kanyang kwento ay ang Teacher Violeta Bellen ng Bacacay East Central School sa bayan ng Bacacay, Albay.

Taong 2001 nang pinasok ng 50-anyos na guro ng Barangay 5, Bacacay, Albay ang naturang propesyon.

Pero noong pagpasok ng pandemya, dito natuklasan ni Teacher Viol na mayroon siyang Ovarian Cancer.

Pinanghinaan man subalit hindi sya nagpatalo sa sakit. Tulad ng ibang cancer patient, sumailalim rin sya sa chemotherapy sanhi ng pagkalagas ng kaniyang mga buhok.

Sa kabila nito, patuloy pa rin sya sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante sa kindergarten.

Matapos ang anim na chemotherapy session, ayon sa doctor niya cancer free na sya.

Sa ngayon ay patuloy parin syang nag tuturo at mas inspirado sa kaniyang propesyong pinili.