Inspirado na, ganado pa! Tropang Pinas sa Ayungin Shoal, ‘di natitinag sa tensiyon sa WPS

Ibinida ng liderato ng AFP na mataas ang morale at inspirado ang mga tropa na naka-destino sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea kahit pa nahaharap sila sa palagiang "harassment" sa kamay ng mga Chinese vessels.

Mataas ang morale at inspirado ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-destino sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) kahit pa nahaharap sila sa palagiang “harassment” sa kamay ng mga Chinese vessels.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Medel Aguilar, ang mga personnel na nagbabantay sa BRP Sierra Madre ay nakahandang ipagtanggol ang kaisa-isang outpost ng bansa sa Ayungin Shoal.

“They are very much inspired because, first, of the completed resupply missions; second, because of the support that they are hearing from almost all Filipinos, from politicians, national leaders, legislators, from the top military leadership, and of course from the media because of the way you report the incidents that are happening there,” sabi ni Aguilar sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, Oktubre 7.

Tiniyak rin ni Aguilar na ginagawa ng AFP ang lahat upang matigil na ang aniya’y “persistent threats” na kinakaharan ng tropang naka-station sa WPS.