Iniwan sa ere! Miss U PH ‘di raw binayaran commissioned trophies?

Nagpaabot ng pagkadismaya ang designer na si Jef Albea sa social media matapos umanong hindi bayaran ng Miss Universe Philippines ang kanyang nilikhang mga commissioned trophies.

Nagpaabot ng pagkadismaya ang designer na si Jef Albea sa social media matapos umanong hindi bayaran ng Miss Universe Philippines ang kanyang nilikhang mga commissioned trophies.

Ayon kay Albea, tila raw iniwan siya sa ere ng Miss U Philippines organization dahil pinagsawalang bahala nito ang pagbabayad para sa mismong ni-request nitong mga trophies na personal niya namang ginawa para sa kompetisyon.

“[They] vanished into thin air. They refused to pay me for the trophies I designed and crafted for the coronation night. All the effort, dedication and passion I put in creating these pieces, ended up ignored and disregarded when payment was due,” saad ni Albea sa kanyang Facebook post nitong June 12.

“I do not need nor will I accept a single centavo from the organization anymore. What I need now is for them to learn that artists deserve respect. We pour our hearts and souls into our creations. Our ideas don’t just appear from thin air just to work for an xdeal. They are the result of intense thought, deep emotions, and sleepless nights. Not to mention, opportunities missed, money and years spent honing our craft,” dagdag niya.

Proud pang nag-post si Albea sa Instagram noon na siya ang napili ng organisasyon upang mag-design ng mga trophies nito para sa Miss U competition na ginanap nitong May 22.

Sa kasalukuyan, wala pang sagot ang organisasyon sa mga alegasyon ni Albea.

BASAHIN: