Init sa Pio Duran, Albay tumitindi; namumuro sa state of calamity

Nasa 1,232 ektarya ng mga sakahan sa Pio Duran sa Albay ang naapektuhan dahil sa matinding init na dala ng El Niño.

Nasa 1,232 ektarya ng mga sakahan sa Pio Duran sa Albay ang naapektuhan dahil sa matinding init na dala ng El Niño.

Ayon sa lokal na pamahalaan, dahil sa init ay may posibilidad na sumailalim ang naturang lugar sa state of calamity.

Sinabi ni Pio Duran Councilor Gina Peralta-Elorde, Chairman ng Committee on Agriculture, umabot na sa mahigit P80 milyon ang nawala sa kanilang agrikultura.

“Yung palay talaga ang pinakagrabe, yun ang number one na resources naman dito sa Pio Duran… 28 barangays na mga farmers ang nandun, talagang kawawa,” saad nito.

Dahil dito, nakatuon ang LGU sa pagtugon sa mga suliranin sa agrikultura, at nakatuon din sila sa pagsolusyon sa kakulangan sa suplay ng tubig na nakaaapekto sa mga tahanan.