Init sa Mayo papalo hanggang 40 degrees

Magpapatuloy hanggang sa Mayo ang init ng panahon, kung saan papalo ito ng hanggang 40 degrees Celcius dahil sa El Niño.

Magpapatuloy hanggang sa Mayo ang init ng panahon, kung saan papalo ito ng hanggang 40 degrees Celcius dahil sa El Niño.

Inaasahang aabot sa 31.5 hanggang 40.8 degrees Celsius ang temperatura sa Hilagang Luzon, habang nasa 31.7 hanggang39.8 degrees naman sa mga mababang lugar ng Luzon.

Ang temperatura sa mga bulubunduking lugar ng Luzon ay maaaring umabot sa 26.3 hanggang 29 degrees Celsius.

Sa Metro Manila, maaaring umabot sa 36.5 hanggang 38.3 degrees Celsius ang temperatura.

Samantala, sa mababang lugar ng Visayas naman ay maaaring umabot mula 32.5 hanggang 37.5 degrees ang temperatura. Sa mababang lugar naman ng Mindanao, maaaring mag-range mula 33.4 hanggang 38.8 degrees, at mula 34 hanggang 36.3 degrees naman sa bulubunduking Mindanao.