Init sa Catanduanes, humataw sa 47 degrees Celcius

Nakaranas ng matinding init ang mga residente ng Virac, Catanduanes nitong weekend.

Nakaranas ng matinding init ang mga residente ng Virac, Catanduanes nitong weekend.

Batay sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), umabot sa 47 degrees Celcius ang highest heat index sa Virac noong Sabado, Match 16.

Ito ang pinakamataas na naitalang heat index sa buong Pilipinas sa nakalipas na weekend.

Maalinsangang panahon din ang naranasan ng mga taga-Virac noong Linggo, March 17, sa 44 degrees Celcius na heat index.

Inaasahan na mananatiling mainit ang klima sa Virac sa mga susunod pang araw.

Sa forecast ng pag-asa, posibleng umabot sa 43 hanggang 46 degrees Celcius ang heat index sa Virac sa Lunes at Martes.

Sa Metro Manila naman, tinatayang nasa 33 hanggang 37 degrees Celcius ang inaasahang maging heat index sa susunod na dalawang araw.