Init no more! Tag-ulan papasok na sa ‘Pinas

Asahan pa ang pagbuhos ng ulan sa pagpasok ng rainy season sa bansa.

Asahan pa ang pagbuhos ng ulan sa pagpasok ng rainy season sa bansa.

Ayon kay Loriedin dela Cruz-Galicia, PAGASA weather specialist, nagkakaroon na ng transition mula El Niño patungo sa wet season.

Kaya naman dapat nang paghandaan ng mga Pinoy ang malimit na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Sa atin pong mga analysis, posible po na sa mga darating na araw, mas magiging frequent pa ‘yung mga passing rain showers o ‘yung mga pag-kidlat, pag-kulog sa hapon at gabi sa mga susunod na araw,” lahad niya sa panayam ng ‘Balitanghali’.

Naoobserbahan na ang panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon.

Matatandaan na sa Maynila ay nagkaroon ng matinding pagbaha dahil sa biglaang malakas na ulan.

Ayon sa PAGASA weather specialist, posibleng makaranas ng mahinang epekto ng La Niña pagsapita ng Hunyo hanggang Oktubre.

Ngunit inaasahan na mas lalong lalakas ang tag-ulan sa mga huling buwan ng 2024.