Init ng panahon magtutuloy-tuloy hanggang Mayo – PAGASA

Magpapatuloy hanggang sa kalagitnaan ng Mayo ang nararanasang init sa Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magpapatuloy hanggang sa kalagitnaan ng Mayo ang nararanasang init sa Pilipinas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ng PAGASA na mararamdaman ang matinding init sa Metro Manila, lalo na sa tanghali kung kailan tirik na tirik ang araw.

“Hanggang sa kalagitnaan ng Mayo ‘yung halos similar scenarios. So we’re seeing a few weeks pa na magkakaroon ng ganitong mainit na panahon, maalinsangan lalo na sa tanghali in many areas lalo na sa mga highly urbanized areas. Kabilang na riyan ang Metro Manila,” ani PAGASA Weather Specialist Benison Estareja sa GMA Integrated News.

Babala pa ni Estareja na maaring pumalo sa 42 hanggang 51 degree Celcius ang temperatura kagaya noong mga nagdaang taon.

“Kung pagbabasehan natin ‘yung climatological normal, ‘yung ating heat index, by the end of April, possible pa ring maglaro between 42 hanggang 48 [degrees Celsius]. Posibleng umabot ng 48 [degrees Celsius] sa ilang areas. Nangyari na rin ito noong nagdaang taon. And then pagsapit ng Mayo, may mga lugar na naglalaro between 48 hanggang 51 degrees Celsius ng ating heat index,” saad pa nito.

Samantala, nagpaalala naman ang Department of Health (DOH) na magsuot ng komportableng damit, uminom ng maraming tubig, at limitahan ang paglabas sa umaga upang makaiwas sa banta ng heat stroke at iba pang sakit dulot ng init.