Init na tinatamasa sa Tuguegarao, Apari lumala – PAGASA

Umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index sa Tuguegarao City at Apari nitong Marso 6, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index sa Tuguegarao City at Apari nitong Marso 6, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay nagpapakita kung gaano kainit talaga ang pakiramdam dahil sa mataas na humidity. Kapag mataas ang heat index, nahihirapan umano ang katawan na magpalamig.

Samantala, pinaalalahan ng ahensya ang publiko na maging maingat lalo na’t mainit ang panahon.

Isa umano sa mga hakbang na maaring gawin ay ang pag-inom ng maraming tubig upang makaiwas sa heatstroke.