Init na mararanasan sa ‘Pinas, titindi!

Aabot sa mahigit 40 degree Celcius ang mararanasan na init sa sampung lungar sa Pilipinas ngayong Linggo ng pagkabuhay.

Aabot sa mahigit 40 degree Celcius ang mararanasan na init sa sampung lungar sa Pilipinas ngayong Linggo ng pagkabuhay.

Ayon sa PAGASA, ituturing itong nasa dangerous level ng heat index.

Ang mga lugar na makararanas ng tinding init ay ang Ninoy Aquino International Airport, Pasay City na may 42°C; Dagupan City, Pangasinan na may 43°C; MMSU, Batac, Ilocos Norte na may 42°C; Aparri, Cagayan na may 42°C; Puerto Princesa, Palawan na may 42°C; Aborlan, Palawan na may 42°C; Iloilo City, Iloilo na may 42°C; Dumangas, Iloilo na may 42°C; Catarman, Northern Samar na may 43°C; Butuan City, Agusan del Norte na may 42°C.

Dahil dito, nagpaalala ang PAGASA na umiwas sa paglabas, uminom ng maraming tubig, at magsuot ng proteksyon upang maiwasan ang sakit dulot ng init.