Init na init na? Aircon ninakaw sa Pangasinan

Kahit mga kawatan ay hindi na rin kaya ang tindi ng init ng panahon.

Kahit mga kawatan ay hindi na rin kaya ang tindi ng init ng panahon.

Ayon sa ulat, nawawala ang isang window type na aircon ng municipal health office ng Basista, Pangasinan.

Lunes raw ng umaga nang mapansin ng isang empleyado ng MHO na nawawala na ang kanilang aircon.

Hinala ng pulisya, dumaan sa bintana ang mga kawatan.

Iniimbestigahan na ang pangyayari at sinusuri na rin ang kuha ng mga CCTV camera sa lugar.