Init! 9 lugar nakaranas ng danger-level heat index

Nakapagtala ang siyam na lugar sa Pilipinas ng mataas na heat index, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nakapagtala ang siyam na lugar sa Pilipinas ng mataas na heat index, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa PAGASA, umabot sa 42 hanggang 45 degree Celcius ang init.

Ang Laoag, Ilocos Norte ay nakapag-ulat ng 42°C; 45°C sa Dagupan City, Pangasinan; 44°C sa Aparri, Cagayan; at 42°C naman sa Tuguegarao sa Cagayan, Puerto Princesa City at Aborlan sa Palawan, Masbate Citysa Masbate, CBPSUA-Pili sa Camarines Sur,
at Catarman sa Northern Samar.

Dahil dito, nagpaalala ang PAGASA na iwasan ang mabibigat na aktibidad, uminom ng tubig, at magsuot ng komportableng damit.