INIT! 17 lugar sapul ng matinding init ngayong Miyerkoles

Aabot sa 17 lugar sa bansa ang inaasahang makakaranas ng “dangerous” level heat index ngayong Miyerkoles.

Aabot sa 17 lugar sa bansa ang inaasahang makakaranas ng “dangerous” level heat index ngayong Miyerkoles.

Sa pagtataya ng PAGASA ang mga sumusunod na lugar ay makakaranas ng 42°C hanggang 44°C na temperature:

Dagupan City, Pangasinan (44°C)

Ambulong, Tanauan, Batangas (44°C)

Puerto Princesa City, Palawan (44°C)

Aborlan, Palawan (44°C)

Bacnotan, La Union (43°C)

Sangley Point, Cavite (43°C)

CBSUA-Pili, Camarines Sur (43°C)

Iloilo City, Iloilo (43°C)

Dumangas, Iloilo (43°C)

Catarman, Northern Samar (43°C)

Aparri, Cagayan (42°C)

Tuguegarao City, Cagayan (42°C)

ISU Echague, Isabela (42°C)

Cubi Pt, Subic Bay Olongapo City (42°C)

San Jose, Occidental Mindoro (42°C)

Virac (Synop), Catanduanes (42°C)

Tacloban City, Leyte (42°C)

Ang Heat index ay ang aktwal na init na nararamdaman ng isang tao o ang pinagsamang alinsangan at air temperature sa lugar.

Ang dangerous level heat index ay naglalaro sa 42°C hanggang sa 51°C.

Babala ng PAGASA, maaaring makaranas ng heat cramps and heat exhaustion ang mga tao sa mga nasabing lugar habang may banta naman ng heat stroke para sa mga mabababad sa init ng araw.