Inggit lang sila! TVJ kinontrang naba-bankrupt na ‘Eat Bulaga’

Pinasinungalingan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) ang kumakalat na balitang 'di umano'y naba-bankrupt na ang noontime show na "Eat Bulaga."

Pinasinungalingan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) ang kumakalat na balitang ‘di umano’y naba-bankrupt na ang noontime show na “Eat Bulaga.”

Ayon kay Tito, mga sinungaling lang umano ang nagsasabi nito. Pagbibiro pa niya, tataasan nila ang kanilang mga papremyo hanggang P10,000.

“Pag uminit ang ulo ko, baka gawin nating 10K,” pagbibiro nito.

“Bakit?” pag-uusisa ni Allan K.

“Aba, may mga sinungaling na nagkakalat na nalulugi daw tayo! Na magsasara na daw tayo?! Ang sabi ng mga sinungaling!” sey ni Tito.

Sabi naman ni Joey, naiinggit lang umano ang mga nagsasabi ng pekeng balita na ito. Paghahamon pa niya, umabot muna ang iba ng 15 taon bago siya lumuhod sa harap nila.

“Naiinggit lang mga ‘yan kasi hindi sila kasali sa Top 5 longest-running TV shows in the world,” saad ni Joey.

“Eto na lang hamon ko, umabot lang kayo ng 15 years baka lumuhod ako sa harap nyo,” dagdag pa nito.