Ingat sa paggawa ng kwento! PNP Chief, kinasuhan ang gumamit ng kanyang litrato para magpakalat ng fake news

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ginagalang ng Pambansang Kapulisan ang malayang pamamahayag o freedom of expression basta’t ito’y hindi lumalabag sa mga batas.

Pormal nang inihabla ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang isang retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na diumano’y ginamit ang litrato ng una upang magkalat ng fake news.

Ang tinutukoy ni Acorda ang ay video na kumakalat ngayon sa social media na nagsasabing maraming mga opisyal na ng kapulisan at hukbong sandatahan ang binawi na ang suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

BASAHIN RIN: Fake news lang! Planong destabilisasyon kontra PBBM, pinabulaanan ng PNP

Mariin itong pinabulaanan ni Acorda at maging ng PNP at AFP.

Kasong paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Cybercrime Law ang isinampa ni Acorda sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa retiradong heneral na si Johnny Macanas.

“This case was filed because of sowing disinformation that the Chief PNP has withdrawn support from the President and that the President is being encouraged to resign,” saad ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame, Quezon City.

Aniya, ginagalang ng Pambansang Kapulisan ang malayang pamamahayag o freedom of expression basta’t ito’y hindi lumalabag sa mga batas.

“This issue is not only about the Chief PNP, this is also about pushing to stop lies and disinformation. We should stop spreading lies and deception,” aniya.