Ingat po tayo, kabayan! Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Tsunami warning na ipinalabas matapos ang pagyanig, binawi na rin

Hindi pa man nakakabangon ang Timog Mindanao sa malakas na lindol na dinanas nito ay isang bahagi nanaman ng Mindanao ang nakaranas ng napakalakas ng pagyanig, na sinundan pa ng malalakas ring aftershock.

Niyanig ng magnitude 7.4 na lindol ang Surigao del Sur nitong Sabado ng gabi, Disyembre 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naramdaman ang malakas na pagyanig sa ibang bahagi ng Mindanao, gaya ng mga probinsya ng Davao del Sur, Misamis Oriental, at Sarangani.

Tinukoy ng Phivolcs ang epicenter ng pagyanig sa bayan ng Hinatuan na naganap ng 10:37 p.m.

Intensity VII (Nakakapinsala) ang naramdaman sa Tandag City, Intensity VI (Napakalas) sa Bislig City, at Intensity V (Malakas) sa Cagayan de Oro City; Nabunturan, Davao de Oro, at Davao City.

BASAHIN RIN: Lindol sa Mindanao: 7 kumpirmadong patay, 2 nawawala

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng malalakas na aftershock nitong Linggo ng madaling araw, Disyembre 3.

• Magnitude 6.1 sa Lingig, Surigao del Sur (12:03 a.m.)

• Magnitude 5.1 sa Hinatuan (12:19 a.m.)

• Magnitude 5.7 sa Hinatuan (12:53 a.m.)

• Magnitude 6.2 sa Hinatuan (1:40 a.m.)

• Magnitude 5.0 sa Hinatuan (1:55 a.m.)

• Magnitude 5.2 sa Hinatuan (3:36 a.m.)

Kaugnay niyan ay hinikayat ng Phivolcs ang mga residente sa coastal areas ng Surigao del Sur at Davao Oriental na lumikas muna dahil sa banta ng tsunami.

“Based on the local tsunami scenario database, it is expected to experience wave heights of more than one meter above the normal tides and may be higher on enclosed bays and straits. Destructive tsunami is expected with life-threatening wave heights,” babala ng ahensiya.

Binawi na rin ng ahensya ang naturang alerto

BASAHIN RIN: Nakatutok lagi ang pangulo: PBBM, ipinag-utos ang tuloy-tuloy na relief operations sa Mindanao matapos yanigin ng lindol