Ingat lang po tayo sa mga soc med post! House party umano ni Rep. Sandro Marcos sa Bahay Pangulo

Nabiktima ng fake news si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, nang may mag-post sa X (dating Twitter) na ginawa raw niyang nightclub ang Bahay Pangulo, na opisyal na tirahan ng kaniyang ama na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Walang katotohanan na ginawang nightclub ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang Bahay Pangulo.

Nag-viral ang akusasyong ito matapos mag-post ng video sa X (dating Twitter) ang isang @bongbongmarcosx, na may caption na “Son of the President, converts the official residence 🇵🇭 of his father into a night club. What’s your comment?”

May 1.4 milyong views na ang naturang post at na-retweet na rin ng mahigit 1,600 X users.

Wala namang katotohanan ito, dahil ayon na rin sa detalye ng nasabing post, naganap ang kasiyahan sa bahay sa isang exclusive village asa Quezon City at hindi sa Bahay Pangulo, na opisyal na tirahan ng kaniyang amang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Misinformation is a serious issue that we must collectively work to combat. I am disheartened to see my name and position used in spreading false narratives,” sabi ni Rep. Marcos sa Inquirer.net.

Kaugnay nito, hinimok ni Rep. Sam Versoza ang publiko na maging mapanuri at matalino sa pagbusisi sa mga social media post bago ito paniwalaan at i-share.