Ingat kayo jan, kabayan! Embahada, nakamatyag sa mga Pinoy sa Israel matapos ang mataas na tensyon

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Israel at DFA ang mga Pilipinong naninirahan doon na maging maingat at sumunod sa mga patakaran na ibababa ng Israel Homefront Command matapos ang malagim na pag-atake ng grupong Hamas.

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Israel at Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong naninirahan doon na maging maingat at sumunod sa mga patakaran na ibababa ng Israel Homefront Command matapos ang malagim na pag-atake ng grupong Hamas.

Dineklara na rin ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na “at war” ang Israel sa Hamas matapos bombahin ng grupo ang Holy Land nito lang Oktubre 7. Tinatayang nasa 200 na ang namatay dahil sa mga pag-atake.

Sinabi ng Embassy na sarado muna ito simula nitong Oktubre 8 dahil na rin sa deklarasyong nasa State of War na ang Israel. Pinayuhan rin nila ang mga Pilipino na makipag-ugnayan sa emergency number ng Embassy na +972-54-4661188.

Kaugnay nito, iniimbestigahan na rin ng DFA ang mga ulat na kabilang sa mga namatay ay 22 trabahador mula Pilipinas at Thailand, samantalang may 7 naman na kinidnap diumano ng Hamas.