Informant ng PNP vs Concepcion Gang leader, binigyan ng P420K

Nakatanggap ng P420,000 pabuya ang tipster ng Philippine National Police (PNP) sa ginawang operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa lider ng Concepcion Gang.

Nakatanggap ng P420,000 pabuya ang tipster ng Philippine National Police (PNP) sa ginawang operasyon na nagresulta sa pag-aresto sa lider ng Concepcion Gang.

Personal na inabot ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang reward cash sa informant kahapon, ayon sa PNP.

Ang impormasyon ng tipsyer ay ginamit sa tagumpay na operasyon ng kapulisan sa paghuli kay Gilbert Concepcion sa Barangay San Martin De Porres, Parañaque City noong Jan. 24, 2024.

Si Gilbert Conceipn ang itinuturong lider ng notorious na Concepcion Gang sa Bicol Region at wanted sa kasong kidnapping, murder, rape, at direct assault. Isa rin siya sa mga most wanted ng rehiyon.

“The informant’s invaluable information exemplifies the effectiveness of collaborative efforts between the community and law enforcement,” ani Acorda.

Nagpasalamat din ang opisyal sa impormante at hinikayat ang publiko na makipag tulungan sa kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa mga komunidad.