Inflation rate pumalo sa 3.4% nitong Pebrero

Pumatak sa 3.4% ang inflation rate sa bansa nitong Pebrero, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes.

Pumatak sa 3.4% ang inflation rate sa bansa nitong Pebrero, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes.

Mas mabilis umano ito sa 2.8% na inflation rate noong Enero. Ito rin ang unang beses na umakyat ang inflation rate matapos ang apat na sunod-sunod na buwan ng pagbaba nito.

Naitala ng PSA ang pinakamataas na inflation rate sa industriya ng pagkain at mga non-alcoholic na inumin, na pumalo sa 4.6%. Ayon kay PSA chief Claire Dennis Mapa, dulot ito ng pagtaas ng inflation rate ng bigas, na umakyat sa 23.7% noong Pebrero.

Sa panig naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi nito na ang 3.4% inflation rate sa Pebrero ay swak pa rin sa kanilang target range.

“However, inflation could temporarily accelerate above the target range from the second quarter of 2024 due to the adverse impact of El Niño weather conditions on agricultural production and positive base effects,” saad sa pahayag ng BSP.

“The upside risks to the inflation forecasts are linked mainly to higher transport charges, increased electricity rates, higher oil and domestic food prices, and the additional impact on food prices of a strong El Niño episode. Meanwhile, the implementation of government measures to mitigate the impact of El Niño weather conditions is the primary downside risk to the outlook,” dagdag pa nito.