Inflation rate bumagal sa 2.8% noong Enero

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) pumalo lamang sa 2.8% ang inflation rate sa unang buwan ng 2024.

Bumagal ang galaw ng presyo ng pangunahing mga bilihin at serbisyo nitong nakalipas na buwan ng Enero.

Sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) pumalo lamang sa 2.8% ang inflation rate sa unang buwan ng 2024.

Mas mabagal ito sa 3.9% na naitala noong Disyembre 2023 at pinakamagal na paggalaw mula noong October 2020 na umabot lamang sa 2.3%.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, malaki ang ambag sa pagbagal ng inflation ang Food and Non-Alcoholic Beverages na 68.5% ang downtrend.

Naging factor din ang negative inflation sa vegetables na nasa -20.8% gayundin ang meat sa -0.7% mula sa -0.2% at ang fish and seafood sa 1.2% mula sa 4.8%.

-000-