Inflation, presyo ng pagkain inaasahang bababa – NEDA

Inaasahang bababa ang presyo ng pagkain sa mga susunod na buwan, ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Inaasahang bababa ang presyo ng pagkain sa mga susunod na buwan, ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Bukod pa riyan, ang kabuuang inflation ay posibleng umabot sa 2 hanggang 4 porsyentong target ng gobyerno ngayong taon.

“The El Niño is over, hoping that the La Niña will not bring severe flooding and all that. And I think that prices will start to moderate, so I think it will enable us to achieve pa rin ‘yung (still the) target 2 to 4 percent,” ani Balisacan.

Bumaba sa 3.7% ang headline inflation noong Hunyo mula 3.9% noong Mayo. Habang tumaas naman ang food inflation sa 6.5% mula 6.1% noong Hunyo.

Samantala, sinabi ni Balisacan na ang datos ng inflation noong Hunyo ay medyo mas maganda kaysa inaasahan.

“Overall inflation, yes, I would expect so. ‘Yung mga non-food kasi was quite favorable, price movements in the last month. Hopefully, we can manage that, walang quite sharp, no,” dagdag pa nito.