Inflation inaasahang babagal nitong Enero, ayon sa BSP

Sa pagtaya ng BSP, inaasahang papalo sa 2.8 hanggang 3.6 percent ang inflation sa buwan ng Enero na pasok pa rin sa kanilang target na 2-4 percent.

Malaki ang tiwala ng Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi na tataas ang presyo ng bilihin sa mga susunod na buwan.

Sa pagtaya ng BSP, inaasahang papalo sa 2.8 hanggang 3.6 percent ang inflation sa buwan ng Enero na pasok pa rin sa kanilang target na 2-4 percent.

Napansin ng Bangko Sentral ang nagiging mabagal na paggalaw ng presyo ng gulay, asukal at iba pang produkto na maaring makaambag sa mabagal na paggalaw ng inflation noong nakaraang buwan.

Hindi naman inaalis ng BSP ang posibilidad na magtulak ang pananatiling mataas ng presyo ng ilang produktong agrikultural gaya ng bigas, mga karne at prutas bukod pa sa produktong petrolyo, kuryenta at tubig sa muling paggalaw ng inflation.