Indonesian human trafficker, tiklo sa Makati!

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) agents ang isang lalaking Indonesian na wanted sa kanyang bansa dahil sa human trafficking

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) agents ang isang lalaking Indonesian na wanted sa kanyang bansa dahil sa human trafficking

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nadakip si Aris Wahyudi, alyas Romeo, 43 anyos noong Martes sa Salcedo St, Legaspi Village sa Makati.

Ipinag-utos ang pag-aresto kay Wahyudi matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Indonesian government tungkol sa kaniyang mga krimen.

Napagalamang si Wahyudi ay may warrant of arrest sa kasong trafficking in persons.

Ayon sa otoridad, parte si Wahyudi ng isang human trafficking syndicate na nagrerecruit ng Indonesian nationals para magtrabaho sa Cambodia nang walang tamang dokumento.

Kasalukuyang nakakulong sa BI Warden Facility sa Taguig si Wahyudi at nakatakdang ipadeport sa Indonesia.