India pumanig sa ‘Pinas sa sigalot sa WPS

Kinampihan ng India ang Pilipinas sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Kinampihan ng India ang Pilipinas sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang press conference nitong Martes, inihayag ni Indian Foreign Minister Subrahmanyan Jaishankar ang kahalagahan ng pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Malinaw na nakasaad sa UNCLOS na ang Ayungin Shoal ay pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

“We regard UNCLOS 1982 as very important. We regard it as the constitution of the seas. We believe that all parties must adhere to it,” saad ni Jaishankar.

“[W]e firmly support Philippines in the upholding of its national sovereignty — our position is very clear,” dagdag pa niya.

Kamakailan lamang ay binomba ng China ng water cannon ang bangka ng Pilipinas na Unaizah May 4. Tatlong miyembro ng Navy ang nasaktan sa pangyayari.

Ang pinaglalaban ng China na nine-dash line kung saan sakop nila ang Ayungin Shoal ay taliwas sa nakasaad sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Ruling.