Inayos ang gusot! ‘Selos’ ni Shaira ibabalik sa mga streaming platform

Magbabalik na umano sa mga online streaming platform ang hit song ng Moro singer na si Shaira na pinamagatang 'Selos.'

Magbabalik na umano sa mga online streaming platform ang hit song ng Moro singer na si Shaira na pinamagatang ‘Selos.’

Ito’y matapos kumpirmahin ng kanyang kampo na nakipag-kasundo na sa kanila ang singer na si Lenka.

Matatandaang nagka-isyu ang ‘Selos’ dahil katono nito ang kanta ni Lenka na ‘Trouble is a Friend.’ Dahilan ito para tanggalin sa mga online streaming platform ang ‘Selos’, na naka-hakot na ng milyon-milyong streams.

“Malapit na po naming ibalik sa mga online streaming platforms ang kantang ‘Selos’ kasabay na rin po ng ibang kanta ng aming produksyon,” saad ni Shaira sa isang video.

“Wala pong sinampang kaso laban sa amin. Sa katunayan naging mahinahon at mapayapa ang pag-uusap namin ng kampo ni Lenka at nauwi po ito sa pagkakasunduan hindi lang sa pamamaraan ng pagpapalabas ng kanta sa online streaming platforms,” dugtong pa ng Moro singer.

Nagpasalamat din si Shaira sa mga sumuporta sa kanya buhat nang sumikat ang ‘Selos’ sa social media.