Inayawan ni ate ang Daks? Vietnamese na dilag, todo tangging may ‘something’ sila ni Daniel Padilla

Binasag ni Mingh Puong, isang Vietnamese national, ang pananahimik nito dahil raw sa mga hate messages na natatanggap nito, na may iilang pagbabanta na rin, mula sa mga Pilipinong inaakusahan siya na "third party" sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Mariing pinabulaanan ng isang babaeng Vietnamese ang mga alegasyong may kinalaman ito sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil may “something” sila ng aktor, ayon sa ibang fans ng KathNiel.

Ani Mingh Puong, o Emma, binati lamang niya si Padilla nang magpunta ito sa bar ng kanyang kuya.

“My brother owns the bar that Daniel went to. My brother told me that Daniel is there and I can say ‘Hi’ to him because I know he is a famous actor. I saw Daniel and his friends in the bar, exchanged a few words, and then I went back home with my sister. That is the end of my interaction with him,” saad niya sa Instagram.

Binasag ni Puong ang pananahimik nito dahil raw sa mga hate messages na natatanggap nito, na may iilang pagbabanta na rin.

“I know you guys love and appreciate your idol. I also feel the same to the artists I support, but please be civilized and polite,” aniya. “Please be a cultured person. You guys have threatened my life and my job, sent messages and spammed my family and friends. This is something I would not wish to happen to anyone.”

Dagdag pa niya, isang ordinaryong mamamayan lamang siya ng Vietnam, kanya naman nagulantang ito sa mga akusasyong wala naman raw ebidensiya.