In good terms naman talaga sila! VP Sara, pinasalamatan at pinuri ni PBBM sa magandang palakad sa DepEd

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamumuno ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education at hinimok itong ipagpatuloy ang mga magandang nasimulan ng ahensya.

Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamumuno ni Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd) matapos nitong masaksihan ang presentasyon ng Basic Education Report (BER) 2024 ng ahensya nitong Huwebes, Enero 25, sa Pasay City.

“I’m happy to note that this report, the Basic Education Report, is candid, clear, comprehensive, and I think you will agree, quite compelling. So certainly, the milestones achieved so far deserve our congratulations,” sabi ni Marcos sa kaniyang talumpati pagkatapos ng nasabing presentasyon.

Pinasalamatan rin ng pangulo si Duterte sa pagmando niya sa aniya’y pinakamahirap na mandato ng pamahalaan.

Sa parehong talumpati ay pinapurihan rin ng pangulo ang pilot testing ng MATATAG K-10 curriculum.

“We are decongesting the curriculum, with a focus on the development of foundational skills. I’m happy that the DepEd is piloting a new K to 10 curriculum in 35 schools across the region,” giit ng pangulo.

Hinimok ng Pangulong Marcos si Duterte at ang buong DepEd na ipagpatuloy ang magandang nasimulan nito.

“As your report has shown, the building blocks of a modern, responsive educational system have now been laid. It is something we have waited for—for many, many, many years. At this juncture in our transformational journey, my instruction is simply this: Padayon! Padayon! Padayon!” aniya.