Imelda Marcos tinamaan ng pneumonia

May iniindang karamdaman ang dating First Lady na si Imelda Marcos.

May iniindang karamdaman ang dating First Lady na si Imelda Marcos.

Ayon sa kanyang anak na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dinala sa ospital si Imelda dahil nagkaroon ito ng slight pneumonia.

Siniguro naman ni Marcos na maayos ang kalagayan ang kanyang ina.

“I just spoke with my mother’s doctor. She is suffering from slight pneumonia and is running a fever. She has been put on a course of antibiotics and the doctors are confident that this will relieve here fever,” wika ni PBBM.

Wika pa ng Pangulo, hindi nahihirapang huminga ang kanyang ina at nagpapasalamat sa mga Pilipino na nagdadasal para sa kanyang kalusugan.

“She is in god spirits, has no difficulty in breathing and is resting well. I thank the Filipino public for their concern and prayers,” dagdag ng Pangulo.