Imelda Marcos nakalabas na ng ospital – Imee

Nakalabas na ng ospital si dating First Lady Imelda Marcos noong Miyerkoles, ayon kay Senadora Imee Marcos.

Nakalabas na ng ospital si dating First Lady Imelda Marcos noong Miyerkoles, ayon kay Senadora Imee Marcos.

“[N] akalabas na kahapon… Some oral medications nalang [and] rest at home,” saad sa text message ni Imee sa mga reporter.

Dinala sa pagamutan si Imelda noong nakaraang linggo dahil sa pneumonia.

Habang nasa ospital ay regular na nagpopost sa X (dating Twitter), si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magbigay ng kaganapan sa kalagayan ng kanyang ina.

Nagpasalamat din ang pangulo sa mga nagdasal para sa kagalingan ng dating first lady.