Imelda Marcos bumubuti na ang lagay – PBBM

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumaganda na ang pakiramdam ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumaganda na ang pakiramdam ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Sa kanyang post sa X (Twitter) ngayong Huwebes, ibinunyag ng pangulo na humuhupa na ang lagnat ni Imelda.

“My mother is feeling much better,” anang Pangulo.

“I visited her last night after arriving from Melbourne and she was awake, alert, and even up at midnight. In consultation with her medical team, it has been confirmed that her fever is gradually subsiding, and she is on the path to recovery,” aniya pa.

“We’ve decided to keep her in the hospital until she finishes her prescribed course of antibiotic treatment. This measure will also afford her the necessary rest and continuous medical supervision,” dagdag pa ni PBBM.

Ang Pangulo rin ang nagbahagi noong Martes na naospital si Imelda dahil sa lagnat at pulmonya.

Samantala, ngayong Huwebes ng umaga ay pinabulaaanan ng Malacañang ang kumalat na ulat na yumao na ang dating First Lady.