Imee tinanggi tatakbong mayor ng Maynila, plano magbalik Senado

Mariing itinanggi ni Senador Imee Marcos na tatakbo siyang mayor ng Manila sa darating na 2025 elections.

Mariing itinanggi ni Senador Imee Marcos na tatakbo siyang mayor ng Manila sa darating na 2025 elections.

Pahayag ito ni Marcos sa gitna ng ulat na kakalabanin niya sa pagka-mayor si Honey Lacuna.

Ayon kay Marcos, aatupagin na lamang niya ang kanyang reelection bilang Senador.

“I am up for reelection in May next year and despite the many rumors that I’m running for Manila City and other places, magpapa-reelection lang ako, ” pahayag ni Marcos.

Nasa unang termino pa lamang si Marcos sa panunungkulan bilang Senador ng Pilipinas.