Imee Marcos sa mga inis sa Duterte-China deal: ‘OA naman reaction nila’

Kung si Senadora Imee Marcos ang tatanungin, 'OA' daw o 'over acting' ang mga bumabanat kay ex-President Rodrigo Duterte dahil sa agreement nito sa China.

Kung si Senadora Imee Marcos ang tatanungin, ‘OA’ daw o ‘over acting’ ang mga bumabanat kay ex-President Rodrigo Duterte dahil sa agreement nito sa China.

““Nako naman, exag naman. OA naman yata ang reaction nila,” wika ng mambabatas sa panayam sa dzBB.

Saad ni Marcos, praktikal lang umano si Duterte na makipagkasundo sa China para maabutan ng pagkain at tubig ang mga sundalo sa BRP Sierra Madre.

Pinaniniwalaan din ni Marcos na walang pagtataksil sa bayan na ginawa si Duterte.

Aniya, ang ‘gentleman’s agreement’ na ginawa ng dating Pangulo ay para lang sa mapayapang pagdaan ng mga Pinoy patungong Ayungin Shoal.

Hindi umano nangangahulugan na pinamigay na ni Duterte ang pinag-aagawang teritoryo sa China.

Matatandaan na inamin ni Atty. Harry Roque, dating presidential spokesperson ni Duterte, na nagkaroon ng verbal agreement ang ex-President at China.

Patungkol ito sa ‘status quo’ sa BRP Sierra Madre at hindi dapat magdala ng mga construction at repair materials sa naturang barko.

Ngunit nilabag umano ito ng mga resupply ship na pinadadala ng Pilipinas kaya binobomba ito ng water cannon ng China.