Imee itinangging malapit kay Alice Guo

Mariing itinanggi ni Senadora Imee Marcos na malapit na kaibigan niya ang alkalde ng Bamban, Tarlac ni si Alice Guo.

Mariing itinanggi ni Senadora Imee Marcos na malapit na kaibigan niya ang alkalde ng Bamban, Tarlac ni si Alice Guo.

Sinabi ito ng senadora matapos kumalat sa social media ang larawan nila ni Guo na magkasama.

Paliwanag nito, nagkasama lang sila noong 2022 nang bisitahin niya ang naturang lugar para magbigay ng tulong pinansyal sa mga residente.

“I joined the DSWD in Bamban and met her there for the first time,” pahayag ni Imee.

Sa ngayon, nahaharap si Guo sa pagdinig sa Senado dahil sa ‘di umano’y pagkakasangkot nito sa operasyon ng Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs).