Imee: China lulusubin ‘Pinas, hypersonic missiles pakakawalan!

Naalarma si Senador Imee Marcos sa umano’y plano ng China na gumamit ng hypersonic missiles para sap ag-atake sa mga military bases sa bansa na nasa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Marcos, 25 lugar ang target ng China

“Dahil sa tingin ng Tsina, talagang kumampi na tayo sa kalaban nila… May nakita ako na plano ng Tsina na gagamitin yung hypersonic missile… Ang plano air, ang plano ay yung hypersonic missile at nakatakda na yung 25 na target nila,” pahayag ni Marcos na chairman ng Senate Foreign Relations Committee.

“Mas lalo akong ninerbyos kasi akala ko ‘yung mga bansang may iron dome, hindi makapapasok ang missile pero kapag hypersonic daw kayang-kayang pumasok. Ganyan lang kadali, durog daw,” pahayag ni Marcos.

Hindi naman tinukoy ni Marcos kung saan nakuha ang naturang impormasyon.

“Ang sabi ng US hindi daw nila kaya labanan yung hypersonic missile, mas lalo akong ninerbiyos,” pahayag ni Marcos.

Tinukoy pa ng Senadora na ang Batanes, Subic, at Ilocos ang initial target ng China.

“Sa pagbabasa natin, may mga (Brahmos) missiles na sa Batanes pati sa Subic. So ‘yung dalawang yun ang uunahin kasama ang Ilocos kasi may mga live-fire Balikatan. Kakatakot nga,” pahayag ni Marcos.