Imee absent sa family gatherings ng mga Marcos?

Naitanong kay First Lady Liza Marcos ang tungkol sa kanyang relasyon kay Senadora Imee Marcos.

Naitanong kay First Lady Liza Marcos ang tungkol sa kanyang relasyon kay Senadora Imee Marcos.

Sa panayam ni Anthony Taberna sa First Lady, sinabi nito na noong Pasko pa sila nagkausap ng civil.

Parte rin umano ng group chat si Imee kung saan nag-aaya siya ng family gathering, ngunit hindi pumupunta ang mambabatas.

“Well, every Sunday, we have a family lunch. Once my mother-in-law said, ‘Hija, di mo iniimbita si Imee sa mga ano’. ‘Mom, ako pa? May group chat kami. Lahat sila nandiyan,'” ayon kay Liza.

“…she’s always invited,” aniya pa.

Bukod pa diyan, nag-react din ang First Lady tungkol sa kung dapat bang pinagtanggol ni Imee ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tirada ng mga Duterte.

“Maybe, you should ask her. I am just the outlaw. I know what line not to cross,” ayon kay First Lady.

Si Imee ay kilalang malapit sa mga Duterte, at ilang beses na rin itong naging kritikal sa Marcos administration.