Imbes na gabayan, kinunsinti pa! Mag-amang nagtangkang paslangin ang nakaalitan, arestado sa Taguig

Ayon sa imbestigasyon, nalaman ng mga awtoridad na dati nang nasangkot sa iligal na droga ang mag-ama, na makakaharap sa kasong attempted homicide.

Sa oblo ang kinahantungan ng isang mag-ama sa Taguig City nang maaresto sila ng mga awtoridad nitong Lunes, Enero 8, sa diumanoy pagtatangkang paslangin ang nakaalitan nila.

Kalaboso ang naturang mag-ama sa bisa ng isang warrant of arrest na ibinaba sa kanila.

Batay sa mga salaysay, binugbog ng mag-ama—edad 65 at 28—ang nakaalitan nila sa Quezon City noon pang Oktubre 2023. Sinasabing bugbog-sarado ang biktima.

Mula noon ay nagtago na ang mga suspek hanggang sa matunton sila ngayon lang.

Bwelta nila, “self-defense” lamang ang nangyari.

Ayon na rin sa imbestigasyon, nalaman ng mga awtoridad na dati nang nasangkot sa iligal na droga ang mag-ama, na makakaharap sa kasong attempted homicide.