Ilipat na para hindi ma-bogus: Pagbibigay ng visa sa Chinese nationals, dapat i-outsource na lang—DOJ

Sa halip aniya na DFA ang magbibigay ng visa, maaaring kumuha na lang ang gobyerno ng VFS, o visa outsourcing and technology services company.

Irerekomenda ni Justice Secretary Crispin Remulla kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilipat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng visa sa mga Chinese nationals papunta sa isang third-party issuer na lamang.

“Ire-recommend namin sa pangulo na wag na DFA ang mag issue ng mga visa ng mga tao galing sa China sapagkat ito po ay nagkakaroon ng problema ang ating bansa dito,” saad ni Remulla sa isang media briefing.

Sa halip aniya na DFA ang magbibigay ng visa, maaaring kumuha na lang ang gobyerno ng VFS, o visa outsourcing and technology services company.

BASAHIN RIN: Wala kayong lusot dito! Mga Chinese nationals na wanted, nasakote ng BI

“Pagka kagaya ng VFS, yung third-party provider ang nag ano, ang tumingin, napakadali nila i-validate yun sa loob ng China,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, may iba’t ibang modus ang mga travel agency upang makapasok ang foreign nationals sa bansa, at maiiwasan ito sa tulong ng VFS.