Iligal ‘yan, baka lang hindi niyo pa alam! 7 na nagbebenta ng GCash account, timbog sa NBI

Makakaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 9(b) ng Access Devices Regulation Act of 1998, na may kaugnayan sa Section 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012, at paglabag sa Section 11(g) ng Access Devices Regulation Act of 1998 na may kaugnayan naman sa Section 7 ng SIM Registration Act of 2012.

Arestado ang pitong indibidwal na nagbebenta ng mga GCash account sa dalawang magkahiwalay na entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Tinukoy ng NBI ang mga suspek na sina Archival Tan (alyas Archie Tan). Prospero Enrique, John Rick Dalagan (Alyas Prince), Raymond Samper, Christian Alicando, Ronnel Ramirez, at Ronald Cuevas.

Nahuli sila sa dalawang operasyon ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD) noong Miyerkules, Enero 18, matapos makakuha ng tip na nagbebenta ng Gcash accounts ang mga account Facebook account sa ilalim ng pangalang “Archie Tan” at “Prince.”

Agad nakipag-ugnayan ang mga ahente ng NBI-CCD sa dalawang account, kung saan naka-order sila diumano ng 12 account na may limit na tig-P500,000—lima mula kay Tan at pito mula kay Dalagan. Nasa P1,500 at P3,500 ang bentahan ng mga naturang account.

Dito na ikinasa ng NBI-CCD ang entrapment operations.

Makakaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 9(b) ng Republic Act (RA) No. 8484, o ang Access Devices Regulation Act of 1998, na may kaugnayan sa Section 6 ng RA No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012, at paglabag sa Section 11(g) ng RA No. 8484 na may kaugnayan sa Section 7 ng RA No. 11934, o ang SIM Registration Act of 2012.