Iligal na sugal ipinahinto; coin slot machine winasak sa Mt. Province

Nasamsam at sinira ng awtoridad ang mahigit dosenang mga gaming machine na may coin slot, na kilala bilang "kulalongs" sa Mt. Province nitong Lunes.

Nasamsam at sinira ng awtoridad ang mahigit dosenang mga gaming machine na may coin slot, na kilala bilang “kulalongs” sa Mt. Province nitong Lunes.

Pinangunahan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang sektor sa Bontoc ang pagwasak sa mga machine sa isang public demonstration.

Ayon kay Bontoc Mayor Jerome Tudlong, mas lalo nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na sugal upang mapangalagaan at maprotektahan ang komunidad sa pagkakalulong dito.

“Illegal gambling not only jeopardizes the financial stability of individuals but also undermines the core values that bind us together,” saad ng alkalde.

“By dismantling these ‘kulalong’ machines, we are taking a stand against the negative influences that threaten the integrity of our beloved town,” dagdag pa nito.