Ilegal na pagpuslit ng gagamba sa NAIA, naharang

Nabulilyaso ang tangkang pagpupuslit ng mahigit 80 buhay na gagamba sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itong maharang ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC).

“Eighty-four (84) live spiderlings were found during the physical examination of the customs officers after the initial x-ray scanning showed suspicious images,” pahayag ng BOC nitong Sabado.

Idineklara bilang ‘origami’ products ang mga gagamba, na ipapadala sana sa Biñan, Laguna.

Ang pagpupuslit ng mga gagamba ay labag sa Customs Modernization and Tariff Act at sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

“The dedication of the BOC in preventing smuggling is a crucial barrier against exploitation of wildlife, and in maintaining robust national biosecurity and ecological balance,” pahayag ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio.