Ilegal na pag-akyat sa Bulkang Mayon sinisilip ng DOT

Iniimbestigahan na ng Department of Tourism sa Bicol Region (DOT-5) ang kumalat na video kung saan makikitang may mga umakyat sa Bulkang Mayon.

Iniimbestigahan na ng Department of Tourism sa Bicol Region (DOT-5) ang kumalat na video kung saan makikitang may mga umakyat sa Bulkang Mayon.

Ayon kay DOT-5 Regional Director Herbie Aguas, delikado ang pag-akyat sa bulkan dahil sa banta ng phreatic explosions.

“We are closely coordinating with the provincial government of Albay as to the incident. We are looking into the details to verify if there are tour guides involved and we will surely take action on revoking their certifications,” saad ni Aguas.

Bukod pa rito, sa ilalim ng Albay Provincial Ordinance 0023-2026 ay bawal ang umakyat sa Mt. Mayon. Ang mga lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P5,000 at maaaring makulong ng ‘di lalampas sa isang taon.

“We strongly discourage tourists from climbing Mayon Volcano as it is still on alert level 1. This is to ensure the safety of mountaineers and tourists. Activities inside the 6-kilometer permanent danger zone are strictly regulated to prevent the loss of lives and properties,” dagdag pa ni Aguas.

Inabisuhan din niya ang mga nais matanaw ang Mayon na makipag-ugnayan sa mga tour operator na aprubado ng DOT.