Ilang eroplano nagpasiklab sa Bicol Loco Festival

Hindi lamang mga naggagandahang hot air balloon at mga sikat na singer ang pasabog ng unang Bicol Loco Festival.

Hindi lamang mga naggagandahang hot air balloon at mga sikat na singer ang pasabog ng unang Bicol Loco Festival.

Ayon kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, nagkaroon ng synchronized flying ang ilang eroplano sa ikalawang araw ng festival nitong Sabado.

“Had an amazing time watching the synchronized flying on Day 2 of the Bicol Loco Hot-air Balloon and Music Festival! Grabe, ang galing ng mga piloto!” saad ni Co sa kanyang Facebook page.

Pinasalamatan din ni Co si Captain Joy Roa ng Air Safara na naging daan para maisakatuparan ang synchronized flying.

Ginarantiya rin ng mambabatas na marami pang pasabog ang festival, na magtatapos ngayong araw.

“The festival is packed with incredible aerobatic displays, fantastic music, and so much more,” dagdag pa ni Co.