Ilang beses na sinakasak! Marco hirap magtiwala sa kapwa artista

Inamin ni Marco Gallo na nahihirapan siyang magtiwala sa loob ng industriya ng showbiz.

Inamin ni Marco Gallo na nahihirapan siyang magtiwala sa loob ng industriya ng showbiz.

Ito ay dahil sa umano’y ilang beses na siyang sinaksak patalikod at tinatraydor ng mga taong inakala niyang malapit sa kanya.

Sa ginanap na promotion para sa kanyang bagong pelikulang “Men Are From Quezon City, Women Are From Alabang,” sinagot ng aktor ang tanong sa kanya na kung anong pinakamasamang karanasan niya sa showbiz.

Kuwento ng binata: “I came from Italy, I was a student there. I just had a normal life. And how I treated my classmates and friends at that time, that’s how I try to treat people that I meet in show business.”

“But then, almost every single time, I just got stabbed in the back or, like, I hear people talking about me and other stuff,” pagpapatuloy pa nito.

Kaya sa ngayon ay nasanay na lang siya sa mga taong dumarating at umaalis din sa kanyang buhay.

Aniya, ang mahalaga ay kilala siya ng mga taong mahalaga sa kanyang buhay ngayon.

“It’s like life, people come along your way and you just let them go. You get used to it. I think the way I cope with it, really, is just cut people off. Before, I try to understand why they would do that, but it doesn’t matter anymore. Like, if you want to be part of my life, then be in it. If not, f*ck off,” sey nito.

“If people close to me know me, that’s what matters to me, and I’ll be there for the ones that wanna be in my life,” ani Marco.