Ilang baril ni Quiboloy, isinuko na sa PNP

Isinuko na ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy ang ilang baril na pagmamay-ari ng Kingdom of Jesus Christ founder.

Isinuko na ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy ang ilang baril na pagmamay-ari ng Kingdom of Jesus Christ founder.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Rommel Francisco Marbil, sinuko na ng mga tao ni Quiboloy ang limang baril sa Police Regional Office 11.

Matatandaan na pinawalang bisa ang license to own and possess firearms ni Quiboloy.

Ayon kay Marbil, isusuko pa ng kampo ni Quiboloy ang ilan pang baril na pagmamay-ari ng kontrobersyal na pastor.

Sa kabila ng pagsuko ng baril, hindi pa rin lumulutang si Quiboloy sa kabila ng warrant of arrest na inilabas ng Davao Regional Trial Court dahil sa kasong sexual abuse.